Pagbawi sa P846M notices of charge vs ex-Customs execs valid — COA

Ni KAREN SAN MIGUEL

Pinagtibay ng Commission on Audit (COA) ang 2014 ruling ng COA-National Government Sector (NGS) Cluster 2 na pumayag sa apela ng mga dating matataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nagresulta sa pagbawi sa 94 notice of charge (NCs) sa pag-iisyu ng P846.26 milyong halaga ng tax credits.

Sa apat na pahinang desisyon na inilabas kahapon at nilagdaan ni COA chairperson Gamaliel A. Cordoba at commissioners Roland Café Pondoc at Mario G. Lipana, pinayagan ng COA Commission Proper ang BOC commissioners na pahintulutan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang magbigay ng value-added tax (VAT) refunds sa pamamagitan ng pagpapalabas ng tax credit certificates (TCCs), pagtataguyod ng posisyon ng COSA-National Government Sector (NGS) Cluster 2 upang bawiin ang notices of charge.

Ang notice of charge ay inilabas ng state auditors laban sa mga opisyales ng ahensya para sa non-collection, under collection, non-remittance o under remittance ng koleksyon.

Ang 94 NCs laban sa BOC ay inilabas ng audit team noong Mayo 18, 2012 para sa Tax Refunds Payable sa taong 2001 hanggang 2008 sa bisa na ang TCCs para sa VAT refund na ibinigay ng BOC ay bumubuo ng “illegal drawbacks”.

Sa paggamit ng Section 106 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines, sinabi ng audit team at ng supervising auditor na ang awtoridad ng BOC na mag-refund ng mga duties, drawbacks, o tax credits ay limitado lamang sa tatlong bagay: “fuel imports for vessels engaged in trade with foreign countries, petroleum oil and crude related to power generation, and articles made from imported materials used in production of export goods”.

Iginiit pa nito ang refund sa internal revenue tax tulad ng VAT sa pamamagitan ng TCCs sa ilalim ng eksklusibong hurisdiksyon ng BIR.

Sina dating BOC Commissioners Ruffy Biazon at Napoleon Morales kasama si dating deputy commissioners Reynaldo Umali at si Felipe Bartolome ay umapela sa COA-NGS Cluster 2 na nagsabing parehong Section 106 at 1708 Tariffs and Customs Code ay pinahintulutan ang BOC commissioner upang magbigay ng refund sa pamamagitan ng tax credit ng internal revenue taxes.

Itinuturo rin ng mga ito na ang pagpapalabas ng mga TCC ay sumasailalim sa pagsusuri ng Department of Finance (DOF) Tax Revenue Group at inaprubahan ng BIR.

Bukod pa rito, binanggit nito ang kasunduan ng BOC-BIR na may petsang Abril 8, 1988 na nagtatalaga sa mga commissioners ng BOC na umakto bilang awtorisadong kinatawan ng BIR commissioner.

Sa pagpapatibay na valid ang pag-alis ng 94 NCs, ang COA Commission Proper ay nanindigan na ang tanong kung ang BOC Commissioner ay may sapat na awtoridad na mag-isyu ng mga TCC sa VAT ay naayos na sa COA Decision No. 2014-124 na binanggit ang mga isyu mula kina dating BIR Commissioners Bienvenido Tan at Jose U. Ong na kinumpirma na maaaring aprubahan ng BOC Commissioner ang refund at ang awtoridad na ito ay umaabot sa mga TCCs.

“Wherefore, premises considered, COA-NGS Decision No. 2014-04 dated July 15, 2014 is hereby approved. Accordingly, the following 94 Notices of Charge, all dated May 18, 2012 …in the total amount of P846,264,032.57, are hereby lifted,” ayon sa COA CP.

Leave a comment