SUV ng miss ni Albay PNP official katas sa panghuhuthot sa kontraktor!

USAP-USAPAN ngayon sa Albay Police Provincial Office ang brand new SUV ng misis ng isang opisyal ng pulisya.

Galing daw kasi ito sa isang kontraktor na ‘brinasong’ huthutin ng kotongerong police official.

Ang SUV ay nagkakahalaga ng P2.2 million.

Ayon sa mga katropa ni Marites, sapilitang hiningi ni police official ang perang pambili sa SUV bilang regalo sa kanyang esmi.

Wala raw nagawa ang kontratista kundi ibigay ang hinihinging halaga ng opisyal.

Ang kontratista ang naka-subcon ngayon sa isang proyektong ginagawa sa Albay PPO.

Si SUV ay madalas nakikita sa Albay PPO headquarters sa Bgy. Sta. Cruz, bayan ng Ligao.

Labas-pasok din ito sa Camp General Simeon A. Ona na headquarters naman ng Police Regional Office 5 o ‘mother unit’ ng Albay PPO.

Nabatid na isang pondo ang inilaan ng Kongreso para sa isang mahalagang proyekto sa mga pulis ng Albay.

Ang naturang proyekto ay inisyatibo umano ni Ako-Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na siyang chairman ng House Committee on Appropriations na labis ang malasakit sa kanyang mga kababayan sa Bicol.

Ang hindi alam ni Cong. Zaldy, habang determinado siyang maging maayos ang pangangailangan ng mga pulis niya sa Albay ay isang opisyal naman ang suma-sidetrip para mangotong sa mga kontratista.

Madaling malaman kung sino si opisyal dahil palagi rin nitong ginagamit ang pangalan ng magiting na kongresman na diumano’y kumpare at sanggang dikit niya!

***

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.

Leave a comment