Sen. Villar nanawagang pangalagaan ang karagatan

Pinangunahan ni Senator Cynthia A. Villar ang pagbubukas ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day sa Las Piñas-Parañaque Wetland (LPPWP) noong nakalipas na Sabado.

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Cynthia Villar na mahalagang pangalagaan ang karagatan ng bansa bago pa mahuli ang lahat at mawalan ng pagkakaitaan ang mga mangingisda.

“Dapat na maliwanag ang ating pangakong pangalagaan ang karagatan para sa kapakinabangan ng lahat,”ayon kay Villar.

Sa idinaos na International Coastal Clean-up Day sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park, sinabi ng chairperson ng Senate committees on Environment and Natural Resources, na protektahan ang kapaligiran at karagatan dahil umaasa ang lahat sa yaman nito.

“This year’s ICC theme, ‘Clean Seas For Healthy Fisheries,’ emphasizes the crucial connection between ocean health and the abundance of our fisheries. Clean waters are essential for the well-being of marine life and a vibrant fishing sector,” ani Villar.

Ipinagdiriwang ito, taun-taon tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre, kumakatawan ang ICC sa pinakamalaki sa buong mundo bilang volunteer effort sa ocean health.

Nagtitipun-tipon ang mga volunteers sa buong mundo sa mga dagat, baybayin, ilog, waterways, at dive sites para alisin ang mga basura at itala ang dami at uri ng nakokolektang basura.

Sa pagsisikap ng mga mangingisda na bigyan ng yaman ng karagatan, sinabi ni Villar na ang mga ito ang higit na apektado sa masamang kondisyon ng karagatan, fish habitats at climate events gaya ng El Niño at madalas na bagyo.

“Sadly , our seas face threats from habitat degradation and pollutants like plastics, which not only reduce the fish population but also affects the livelihood of our fisherfolks,” pahayag din ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food.

“We are fortunate to have our ICC here in Las Piñas – Parañaque Wetland Park, a place where we can immerse ourselves in nature while participating in the clean-up,” dagdag pa nito.

Binigyan diin nito na ang karagatan ay protektado sa ilalim ng RA No. 11038 o ang Expanded NIPAS Act of 2018, na isinulong nito sa Senado.

Bukod dito, kinilala ang LPPWP na ikaanim na Wetland of International Importance sa International Convention for the Conservation of Wetlands o Ramsar Convention.

Bilang kasapi ng Ramsar Convention, tungkulin ng pamahalaan na pangalaan ang
Ramsar sites, kabilang ang LPPWP.

“Beyond its ecological ing significance, the LPPWP offers crucial benefits to the local residents of Las Piñas, Parañaque, and Bacoor. It safeguards against flooding, high tides, and storm surges. In tune with our ICC theme, it also serves as a vital livelihood source for numerous fisherfolk and the urban poor who rely on it daily,” pahayag pa ni Villar.

Leave a comment