
Ni NOEL ABUEL
Hindi malayong plano ng Chinese government na magsagawa ng reclamation sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng natuklasang
coral harvesting sa Iroquios o Rozul Reef.
Ito ang sinabi ni Senador Francis “Tol” Tolentino bilang tugon sa ulat na naubos na ang coral reef sa Rozul reef dahil sa pagkuha ng mga Chinese militia group.
“May iba pang plano siguro po riyan, di lang ‘yong pagkuha ng corals at pagdurog nito. Iyong pagpatay kasi ng corals ay prelude sa isang bagay— pag pinatay mo iyon, pwede ka nang mag-reclaim.”
Sinabi pa ni Tolentino, chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, na ang ginawang pag-harvest ay tahasang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“Kung magfa-file po tayo ng claim, damages, dapat sa isang tribunal na recognized ng UNCLOS, United Nations,” ayon pa sa senador.
Samantala, inihahanda na ng senador ang pagtatag ng Philippine Maritime Zone Law na tinitingban nito na magiging legal na basehan ng banda sa territorial dispute.
“Iyon po ang kinukutya sa atin ng China, ‘Nagke-claim kayo rito, wala naman kayong maritime zone law,’ kaya iyon po ang ginagawa natin ngayon after several decades,” aniya pa.
