Mindoro niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang Occidental Mindoro at ilang karatig probinsya nito kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-10:54 ngayong umaga nang maitala ang magnitude 4.7 na lindol na ang sentro ay nasa layong 053 km timog kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro.

May lalim itong 034 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro habang intensity II naman sa Lubang, Mamburao, at Paluan, Occidental Mindoro; Intensity I sa San Teodoro, at lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro; Abra De Ilog, Occidental Mindoro.

Samantala, sa instrumental intensities, naitala ang intensity II sa Mamburao, Occidental Mindoro; Puerto Galera at lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro at iIntensity I sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro; Calatagan, Batangas.

Wala namang naitalang danyos sa nasabing paglindol at wala ring inaasahang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment