
NI NERIO AGUAS
Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko partikular ang mga nakatira malapit sa Mayon volcano na magsuot ng face mask upang maiwassang makalanghap ng ashfall.
Ayon sa DOH, ang face masks ay malaking tulong para maitago ang ilong, mata at bibig na posibleng mapasok ng volcanic ash at makakaapekto sa respiratory system.
“Maaaring gumamit ng medical at surgical masks, dust masks, o mamasa-masang panyo. Siguraduhin ang supply ng gamot para sa may hika at allergy at gamitin ayon sa payo ng doktor,” ayon sa DOH.
“Iwasan gumamit ng contact lenses at gumamit muna ng salamin kung maari. Huwag kamutin o kuskusin ang mga mata. Kung nairita ang mga mata, banlawan lamang ito gamit ang umaagos at maligamgam na tubig,” dagdag pa ng DOH.
Nabatid na ang bulkang Mayon ay nananatiling nasa Alert Level 3 at nakapagtala ng ilang pagyanig ngayong araw.
