
Ni NOEL ABUEL
Nagpahayag ng pag-aalala si Senador Bong Go sa hindi paggamit nang husto sa pondo ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund na dapat nagamit sa pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
“I note that P1.2 billion budget for the Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan or AKSYON Fund has not been fully utilized as of August 31. Only 20% has been utilized,” giit ni Go sa pagtalakay sa pondo ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Bukod sa isyu ng paggamit ng pondo, binigyang pansin din ni Go ang aspeto ng human resources ng departamento.
“I also echo the concern last hearing that 60% of the positions in the department are still unfilled. Sana po magawan ito ng paraan ng DMW para ma-maximize natin ang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga OFWs,” ayon sa senador.
Sinamantala rin ni Go ang pagkakataon na talakayin ang estado at kondisyon ng OFW Hospital, isang pasilidad na naglalayong magbigay ng komprehensibong serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga OFW na uuwi sa Pilipinas.
“Natalakay rin ang estado at kalagayan ng OFW Hospital, at gusto ko ring maipahayag ang aking sentimento patungkol sa usaping ito. Ang OFW Hospital ay naglalayong mapangalagaan ang kalusugang medikal, pisikal, at mental ng ating mga OFWs na bumalik dito sa ating bansa,” aniya pa.
Sa karagdagang pagdetalye sa OFW hospital, nagpahayag si Go ng pagkabahala sa budget na inilaan para sa mga operasyon nito.
“I want to also mention, Mr. Chair, the decrease in the proposed budget for the operation of the OFW Hospital. Only P13 million is allocated for its operations in the 2024 budget,” giit ng senador.
