NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naitala ang malakas na paglindol dakong alas-4:33 ng madaling-araw na nasa magnitude 4.2 na natukoy ang sentro sa layong 176 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 096 km at tectonic ang origin.
Bago nito, may naitalang magnitude 3.2 dakong alas-4:27 ng madaling-araw sa layong 185 km timog silangan ng Balut Island, munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 058 km at tectonic din ang pinagmulan.
Wala namang naitalang danyos sa magkasunod na paglindol at wala ring inaasahang magkakaroon ng aftershocks.
