American fugitive arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national dahil sa pagiging undesirable alien.

Kinilala ang nadakip na dayuhan na si Michael James, 37-anyos, noong Setyembre 21 sa Brgy. Krus na Ligas, Diliman, Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng BI fugitive search unit (FSU), kinansela na ng US authorities ang pasaporte ni James kung kaya’t ikinokonsidera na itong undocumented at undesirable alien.

Nabatid na ang nasabing dayuhan ay may warrant of arrest na inilabas ng Davidson County, Sherrif’s Office, North Carolina, USA kaugnay ng 5 counts ng Second Degree Sexual Exploitation of a Minor, paglabag sa Section 14-190.17 ng North Carolina General Statutes.

Ipinaalam ng gobyerno ng US sa BI noong unang bahagi ng buwan ang kanyang mga krimen, na nag-udyok kay BI Commissioner Norman Tansingco na mag-isyu ng mission order upang mahanap at ipatupad ang kanyang pag-aresto.

“We have close coordination with foreign governments to ensure that foreign fugitives do not use our country to escape punishment for their crimes,” sabi ni Tansingco.

Kasalukuyang nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang dayuhan habang inihahanda ang pagpapatapon dito pabalik ng kanyang bansa.

Leave a comment