Paggamit ng bamboo sagot sa local textile industry – Sen. Villar

NI NOEL ABUEL

Umaasa si Senador Cynthia Villar na ang paggamit ng bamboo bilang textile ay malaki ang maitutulong sa local textile industry at sa pag-unlad sa mga kanayunan.

Sa kanyang pananalita sa  “KAWAYARN: A Bamboo Textile Ph Launch” na idinaos sa Manila Hotel,  tinagubilinan ni Villar ang PhilFida at DOST- Philippine Textile Research Institute (PTRI) na pangunahan  ang pagpapalaganap sa kawayan  dahil sa mahalaga nitong papel  sa textile industry.

Tinukoy ni Villar na may  35 porsiyento ang nakukuhang fiber sa bamboo kumpara sa ibang pinagkukunan ng fiber na mayroon lamang 2 porsiyento.

Idinagdag pa ng Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture na maraming kawayan sa buong bansa kaya kaya’t maaari itong pagkunan ng textile fiber.

“The technologies are simple, deployable, and scalable. The machines can also be fabricated locally for more massive and extensive deployment,” giit ni Villar.

“The DOST-PTRI Bamboo fiber extraction technology was developed in 2015. It has moved sustainable and improved fiber extraction techniques for the bamboo species in a bid to promote the increased utilization of natural textile fiber processing from bamboo.The facility will extract bamboo fiber to be used for yarn, will then weave into textiles,” dagdag pa ng senador.

Aniya, ginagamit ang teknolohiyang ito sa natural extraction ng iba’t ibang  uri ng kawayan sa Pilipinas gaya ng kawayan tinik, bolo at yellow bamboo.

Ang PTRI ay may tatlong Bamboo Textile Fiber (BTF) Innovation  hubs sa Maragondon, Cavite; Naguillan, La Union at Cauayan, Isabela. Tatlo pa ang itatayo hanggang 2024- isa sa bawat lugar gaya ng Abra, Bukidnon at Pangasinan.

Sinabi ni Villar na ginagamit ang bamboo fibers  sa tela at home textile. Para sa nonwovens, gamit din nito sa paggawa ng bag at sapatos. 

“The raw Bamboo Textile Fiber is priced at about PHP250 per kg., compared to about PHP10 per kg. of bamboo,” ani Villar.

Nanawagan din ito sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na suportahan ang local fiber industry.

Leave a comment