Dagdag pondo ng DMW ipinanawagan ng kongresista

Rep. Marissa “Del Mar” Magsino

Ni NOEL ABUEL

Umapela si OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ng pondo ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa susunod na taon.

Ayon sa kongresista, ang kasalukuyang pondo ng DMW para sa 2023 ay nasa P4.56 bilyon subalit sa panukalang budget sa susunod na taon ay nabawasan ng P3.56 bilyon o katumbas ng 20 porsiyento.

“The budget cut is unfortunate because it could result to less services and programs for our Overseas Filipino Workers (OFWs), especially at this point that DMW is about to end the transition period and establish its regular operations. I appeal to my colleagues in Congress to increase DMW’s budget to a level even bigger than its current budget,” paliwanag pa ni Magsino.

Noong Pebrero 2023, nananawagan ang OFW party list sa member-agencies ng Development Budget Coordinating Council (DBCC) na bigyang prayoridad na paglaanan ng pondo ang programa para sa mga OFWs sa pamamagitan ng DMW.

Sa nasabing briefing ng DBCC sa Committee on Appropriations meeting, binigyan-diin ng party list solon ang kahalagahan ng mga remittances ng OFWs sa pambansang ekonomiya.

Noong 2022, ang mga OFWs ay nakapag-remit ng kabuuang USD 36.136 bilyon. Ang mga padala ng mga OFWs sa panahon ng pandemya ay nakatulong din sa pagpapasigla sa ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya ng mundo.

“Nakakalungkot lang na sa pagliit ng budget ng DMW, malilimitahan din ang programa ng DMW para sa ating mga OFWs. Kung sino pa ang malaki ang kontribusyon sa ating ekonomiya, sila pa itong kukulangin sa kalinga at proteksyon ng pamahalaan,” giit ni Magsino.

Idinagdag pa ng kongresista ang mahalagang tungkulin ng DMW sa paglaban sa illegal recruitment at human trafficking para mag-imbestiga, maghain ng kaso at tumulong sa pagsasampa ng kasong illegal recruitment at human trafficking.

“I would like to strongly recommend to the Department to be more aggressive, and to put more resources whenever possible, in the execution of these functions in the campaign against illegal recruitment and human trafficking. It is the most important service and protection that we can extend to our OFWs with respect to their right to life and liberty,” sabi ni Magsino.

Inusisa rin ng nag-iisang kinatawan para sa sektor ng OFW ang reintegration program ng DMW.

Hinimok ni Magsino ang DMW na isaalang-alang ang pagtatatag ng database ng mga umuuwing OFWs at ang kanilang mga espesyal na kasanayan.

Inirekomenda rin nito ang pagpapatupad ng isang referral system para sa mga returnee-OFWs batay sa kanilang mga kakayahan, kaya nagtataguyod ng makabuluhang trabaho at pakikipagsosyo.

“Assistance in creating value networks for OFWs is equally important and can prove to be beneficial in the long-run. A database and referral system that matches OFW returnees with investors and businesses based on their specific expertise could greatly streamline job placements and benefit both parties. Para rin patuloy ang kanilang pagtatrabaho at hindi mahirapan ang ating mga OFWs sa kanilang paghahanap ng pagkakakitaan pagbalik dito sa Pinas,” pahayag pa ni Magsino.

Leave a comment