
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Senador Cynthia Villar sa lahat na suportahan ang mga PInoy na magsasaka para magkaroon ng ligtas at masustansyang pagkain ang lahat ng Pilipino.
Sa hakbang na ito, ani Villar, ay marami ang mahihimok na higit na magsikap upang makamit ang food security ng bansa.
“We should also help rural communities access better services from government to make them stay there to feed us all,” sabi pa ng chairperson ng Senate agriculture committee.
Si Villar ay naging pangunahing pandangal sa isang pulong ng Rotary Club of Makati sa Dusit Thani Hotel, Makati City kung saan binigyan-diin nito ang tungkol sa food security at green revolution.
Binanggit pa ng senador na mahalaga at napapanahon ang mga paksang ito dahil nahaharap ang bansa sa maraming hamon sa agricultural sector.
Subalit, tiniyak ni Villar ang pangakong iaangat at poprotektahan ang Philippine agriculture sector.
Inalala pa ng senador na ng nakaraang Marcos regime noong 1973, tanyag ang Green Revolution programs para sa rice sufficiency.
Kamakailan lamang, inilunsad ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong bersyon ng Green Revolution upang mapabuti ang nutrisyon ng mga Pilipino sa pagdami ng produksyon at supply ng sariwang prutas at gulay sa urban at rural areas.
Layunin nitong gawin ang mga komunidad na ‘green edible landscapes’ sa paggawa ng vegetable gardens.
“I have also been leading the campaign on vegetable gardening by distributing seeds and organic fertilizers while enticing people to grow their own food thru our four Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar Sipag) Farm Schools, one in Las Piñas – Bacoor, for NCR and Southern Tagalog and Bicol Region; one in San Jose Del Monte City, Bulacan for Central Luzon, Cordillera Region and Cagayan Valley; one in San Miguel, Iloilo for Visayas and Davao City for Mindanao,” pahayag pa ni Villar.
“I give seeds and organic fertilizer from kitchen and garden wastes produced by our 87 composting facilities in Las Piñas and 50 composting facilities in different Camella Communities nationwide,” dagdag pa nito.
Sinabi rin ng senador na pinagsumikapan nito na ibahagi ang kaalaman upang tugunan ang mga isyu at tuklasin ang mga oportunidad upang makamit ang sustainable agriculture at inclusive growth.
Noong 2016, naisabatas ang Republic Act No. 10816 o Farm Tourism Development Act na inakda at itinaguyod ng senador.
Ito ay nagbigay sa pagtatayo ng mga farm tourism site at farm schools na ngayon ay umabot na sa 2,805 na nakakalat sa buong bansa.
