
Ni NOEL ABUEL
Suportado ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Rep. Janette Garin ang hakbang ng Office of Transportation Security (OTS) na higpitan ang pamamaraan nito sa mga security personnel sa pag-inspeksyon ng bag.
Noong Sabado, sinabi ni OTS Administrator Ma. O Aplasca na ang kanilang tanggapan ay nagpataw ng karagdagang mga alituntunin upang maiwasan ang pagnanakaw ng mga screening officer.
Gayunpaman, ipinunto ni Garin na dapat alamin ng OTS ang sindikato sa likod ng mga ilegal na gawain at hindi idiin ang mga empleyadong nasa mababang posisyon.
“It is not enough to file a case against the person who swallowed the money. It is important to uncover the syndicate behind these acts,” iginiit ng mambabatas.
“Dapat mas managot ang nagpakain ng pera and the directors behind this syndicate,” dagdag pa nito.
Aniya, ang insidente ay paulit-ulit nang isyu, na sinasabing may posibleng sabwatan sa mga empleyado.
“Obviously, this is not the first time, and is impossible to do alone. Probably, there is a collaboration among employees. Might be the tip of the iceberg,” ayon kay Garin.
Hinimok din nito si Transportation Secretary Jaime Bautista na magkaroon ng timetable para alamin ang sindikatong sangkot sa ilegal na gawain.
