
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Norte ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:01 ng tanghali nang tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa layong 033 km hilagang silangan ng bayan ng Burgos, Surigao Del Norte.
May lalim itong 035 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na oras at araw.
