COA: 16 sa 219 air operators naghati sa P300M cash aid mula sa CAAP

Ni KAREN SAN MIGUEL

Iniulat ng Commission on Audit (COA) na 16 na air operators mula sa 219 na kasama sa listahan ng mga “critically impacted businesses” ang nakatanggap ng bahagi sa P300 milyong cash assistance na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) noong 2020 at ipinamahagi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa 2021.

“The audit team conducted an in-depth examination of the amount of financial assistance granted to each beneficiary. We noted that only 16 air operators out of 219 critically impacted businesses benefited from the Assistance Program in the total amount of P300 million,” sa COA 2022 report sa financial transactions ng CAAP.

Wala sa 16 na napiling air operators ang pinangalanan sa audit report base sa breakdown ng subsidiya na ibinigay.

Ang lahat ng 16 ay nagpatuloy rin sa pagtanggap ng cash assistance mula sa CAAP lampas sa anim na buwang panahon na itinakda sa ilalim ng RA No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para sa mga nilalayong benepisyaryo na mag-avail ng cash relief ng gobyerno.

Base sa audit documents, ang “Air Operator 7” ay nakatanggap ng P77.38 milyon sa unang anim na buwan at karagdagang P15.25 milyon o kabuuang P92.635 milyon.

Ang “Air Operator 13” ay nabigyan ng P70.5 milyon sa loob ng itinakdang panahon at P13.74 milyon o kabuuang of P84.24 million.

Habang ang “Air Operator 2” ay nabigyan ng P59.8 milyon sa itinakdang anim na buwan at P11.34 milyon pa o kabuuang P71.14 milyon.

Kung pinagsama ang tatlo, nakakuha ang mga ito ng P248.011 milyon o tumatanginting na 82.67 persiyento ng P300 milyong government aid.

“Scrutiny of the documents revealed that the 16 beneficiaries availed of the grant for seven to eight months, exceeding the allowed six-month period under Section 4 (gg) (2) of RA 11494. The excess financial assistance amounted to P52.875 million,” sabi ng audit team.

Sinabi ng COA na ang halagang inilabas sa mga aviation companies ay lampas sa anim na buwang panahon at itinuring na irregular.

Inirerekomenda ng state auditors na hilingin ng CAAP sa mga tumanggap na air operator na nakakuha ng pera pagkatapos ng anim na buwang pinapayagang panahon na ibalik ang buong P52.875 milyon.

Humingi rin ang komisyon ng paliwanag sa kabiguan na magbigay ng cash assistance sa iba pang mga negosyong naapektuhan ng pandemya at humiling ng tulong na nagsasabing dapat magkaroon ng muling pagsusuri kung sila ay kwalipikado rin.

Sinabi ng COA na dapat hilingin ng CAAP sa DOTr para sa pahintulot na muling ilaan ang P52.875 milyon na refund sa iba pang kwalipikadong benepisyaryo.

Kung mabibigo ito, sinabi ng COA na dapat ibalik ang halaga sa DOTr bilang source agency.

Sa pahayag nito sa obserbasyon sa pag-audit, sinabi ng CAAP na binibigyang kahulugan nito ang anim na buwang panahon sa toll lamang kapag naisumite ang aplikasyon dito.

Paliwanag pa nito na ang P300 milyon ay inilipat ng DOTr noong Disyembre 2020 lamang ngunit ang huling pag-apruba ng cash grant ay may petsang Mayo 12, 2021, kaya nasa loob pa rin ng pinapayagang panahon.

Leave a comment