500 barangay walang kandidato sa BSK elections –Comelec

NI NERIO AGUAS

Ibinulgar ng Commission on Elections (Comelec) na mahigit sa 500 barangay sa buong bansa ang walang tatakbong kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod buwan.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia karamihan sa mga ito ay mula sa lugar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at may ilang barangay rin sa rehiyon ang walang katunggali sa lokal na halalan.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na lahat ng mga lokal na opisyal ngayon ay nasa hold over capacity lamang dahil tapos na ang kanilang termino.

Kaugnay nito, dalawang scenario ang maaari umanong mangyari kabilang ang  maaaring manatiling incumbent ang mga nakaupong opisyal na walang tumatakbong kandidato hanggang sa maging kwalipikado muli ang mga ito para sa panibagong termino.

Gayundin, maaaring kumilos ang Department of the Intetior and Local Government (DILG) kung saan may kapangyarihan itong magtalaga ng caretaker sa bakanteng posisyon o direktang magtalaga ng uupo sa mga lugar na walang kandidato.

Nilinaw naman ng Comelec na hindi naman ito ngayon lang nangyari kung saan noong barangay at SK elections noong 2018 ay inatasan ng DILG ang mga local government executives na magtalaga ng mga opisyal sa mga lugar na walang mga kandidato.

Leave a comment