
NI MJ SULLIVAN
Nilindol ang ilang lugar sa lalawigan ng Ilocos Norte ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.9 na lindol dakong alas-5:55 ng madaling-araw.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 006 km hilagang kanluran ng bayan ng Bacarra, Ilocos Norte at may lalim na 009 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity II sa Bacarra, Pasuquin, at Bangui, Ilocos Norte habang sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte at intensity I sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.
