Pekeng embassy advisor arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na wanted dahil sa illegal na gawain nito.

Kinilala ang nadakip na dayuhan na si Prithes Das, 22-anyos, sa isang restaurant sa Bantay, Ilocos Norte noong nakalipas na Setyembre 26 ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU).

Nabatid na isinagawa ng BI-FSU ang operasyon sa tulong ng Philippine National Police (PNP) foreign intelligence and liaison division, regional intelligence unit, Provincial intelligence unit ng Ilocos Sur, at government intelligence units sa northern Luzon.

Sinasabing si Das ay natuklasang overstaying at isang undesirable alien matapos iulat na pinaghahanap ito ng mga awtoridad ng India.

Ipinaalam ng mga awtoridad ng India sa BI na si Das ay nagkukunwang chief advisor sa Embassy of India sa Manila para linlangin ang kanyang mga biktima.

Nauklasan din na inaresto na Das sa Baguio at nakabinbing mga reklamo sa Davao City para sa mga katulad na paglabag.

Agad na dinala sa BI jail facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang dayuhan habang inihahanda ang papales para sa pagpapatapon pabalik ng kanyang bansa.

Leave a comment