One-strike policy vs tiwaling OTS personnel

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Grace Poe na dapat na magpatupad ang Office for Transportation Security (OTS) ng one-strike policy laban sa sinumang tauhan nito na masasangkot sa katiwalian at pang-aabuso sa tungkulin.

Pahayag ni Poe na naniniwala itong sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga abusado at tiwaling tauhan ng OTS ay tanging mga matitinong tauhan na lamang ang matitira at magbabangon sa imahe at integridad ng ahensya mula sa kurapsyon at kontrobersiya.

“Ang kailangan natin sa ating mga airport ay mga bantay sa ating seguridad, hindi bantay-salakay,” sabi ni Poe.

Sinabi pa ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na dapat na ipatupad ang pinakamabigat na parusa laban sa abusadong OTS personnel dahil sa masamang gawain nito habang nasa tungkulin.

“Investigations should be conducted swiftly and backed by solid evidence to leave no room for intervention,” she said.

Inihalimbawa pa ni Poe ang pinakahuling insidente na nangyari kung saan isang OTS personnel ang nakita sa CCTV na na isinubo ang $300 na sinasabing tinangay mula sa isang dayuhan na hindi aniya katanggap-tanggap na mangyayari.

Iginiit pa ni Poe sa OTS management na dapat siguruhin na ang pagpapatupad ng pag-overhaul sa kanyang sistema ay solusyon sa kawalan ng kahusayan at katiwalian sa matagal na panahon.

“We have to distinguish the bad eggs who are spoiling the image of the OTS. This is not fair to those faithfully doing their duties and a stumbling block in providing better service to our people,” sabi pa ni Poe.

Leave a comment