
Ni KAREN SAN MIGUEL
Nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng Davao City ng P2.697 bilyon sa confidential expenses sa pagitan ng taong 2016 hanggang 2022 o sa average na P385.3 milyon kada buwan sa loob ng 7 taon.
Ito ang natuklasan sa pagsisiyasat sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa financial statements na nakapaloob sa annual audit reports ng Davao City government.
Base sa MOOE, ang lungsod ay nagtamo ng P144 milyon bilang confidential expenses noong 2016, ang unang kalahati nito ay nasa ilalim ni dating Mayor Rodrigo Duterte bago ito naluklok sa bilang Pangulo noong Hunyo 30 ng taong iyon.
Si Duterte ay pinalitan ng anak nitong si Sara Duterte-Carpio, bago naupo bilang pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 2020 na humawak sa posisyon.
Noong 2017, ang confidential expenses ng Davao City ay nadoble ng mahigit sa P293 milyon o pagtaas ng 103.5 porsiyento.
Sa ilalim ng 2018 MOOE, ang kahalintulad na gastos ay nadagdagan ng P420 milyon o 43.34 porsiyento sa sumunod na taon.
At para sa 2019, muli ring nadagdagan ito ng P460 milyon at nanatili hanggang 2020, 2021 at 2022.
Ang paghahambing sa MOOE ng iba pang malalaking lungsod ay nagpakita na ang confidential expenses ng Davao City ay mas malaki kaysa sa Makati City, Manila, Quezon City, o Cebu City na lahat ay mas mayaman at naglalagay ng mas malaking kita.
Sa 2022 MOOE ng Cebu City, nakapagtala ito ng P7.38 milyon bilang “payment for confidential, intelligence, and extraordinary expenses”, hanggang P1.96 milyon mula sa P5.42 milyon noong 2021.
Habang sa lungsod ng Manila nagtala ito ng P120 milyon na confidential fund expenditures mula 2021 at 2022.
Ang Makati, na ikalawa sa pinakamayamang lungsod sa bansa, iniulat nito ang P240 milyong confidential expenses noong 2021 at 2022.
Samantala, ang Quezon City, na pinakamayamang lungsod sa loob ng tatlong taon, ay nakapagtala ng P100 millyong confidential expenses noong 2021 at P75 milyon noong 2022.
