DOH kinalampag ni Senador Bong Go

Ni NOEL ABUEL

Muling kinalampag ni Senador Christopher “Bong” Go ang Department of Health (DOH) na ibigay na ang allowances ng mga healthcare workers na matagal nang hinihintay ng mga ito.

Ayon kay Go, ang chairman ng Senate Committee on Health, dapat na ipagkakaloob na ng DOH ang benepisyo ng mga healthcare workers dahil sa ito ay kanilang pinagpaguran noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Noong nakalipas na araw ng Martes Setyembre 26 nang sumalang sa makapangyarihang Commission on Appointment si DOH Secretary Teodoro “Ted” Herbosa ay ipinaalala ni Go ng hindi pa rin naibibigay na allowances ng ilang healthcare workers.

Hinimok din ni Go ang DOH na magpatupad ng mas mahusay at streamlined na proseso para mapabilis ang pagpapalabas ng mga allowance para sa mga healthcare workers alinsunod sa batas.

Sinabi pa ni Go na maraming backlog ng health emergency allowance mula pa noong nakalipas na taon kung kaya’t umapela ito sa DOH na madaliin ang pagpapalabas ng pondo.

Leave a comment