Lakas-CMD muling nadagdagan ang bilang: 73 na

Personal na pinanumpa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sina Laguna, 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante, Liliw Mayor Ildefonso Monleon, at Calauan Mayor Roseller Caratihan sa simpleng seremonya sa Kamara.
Si Laguna 1st District Rep. Ma. Rene Ann Matibag na nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ni NOEL ABUEL

Nadagdagan muli ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) makaraang sumanib na rin ang dalawa pang kongresista at ng dalawang alkalde.

Nabatid na patuloy na pinalalakas ng Lakas-CMD ang presensya nito sa Kamara sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga bagong miyembro na sina 1st District Rep. Ma. Rene Ann Matibag at 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante.

Bunsod nito umakyat na sa 73 ang miyembro ng partido sa Kamara.

Kasama rin sa nanumpa bilang dalawang bagong miyembro ng Lakas-CMD sina Liliw Mayor Ildefonso Monleon at Calauan Mayor Roseller Caratihan, na umaayon sa mga halaga at prinsipyo ng partido.

Ang oath-taking ceremony, na simbolo ng kanilang pakikiisa sa hangarin ng partido, ay pinangasiwaan mismo ni Lakas-CMD president at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Batasan Complex sa Quezon City noong Miyerkules.

Ipinahayag ni Romualdez ang kanyang masigasig sa pagtanggap sa mga bagong miyembrong ito, kasabay ng pagbibigay diin sa pagpapahalaga ng partido sa pagkakaisa at para sa isang mas mabuting Pilipinas.

“Our party is a coalition of dedicated public servants who share a common goal – to serve the Filipino people with integrity and dedication. With the addition of Representatives Ma. Rene Ann Matibag and Loreto Amante, along with Mayors Ildefonso Monleon and Roseller Caratihan, we are not only growing in numbers but in strength and diversity,” sabi ni Romualdez, ang lider ng Kamara

Binanggit ng pinuno ng Kamara ang ambag nina Matibag at Amante sa partido ang kanilang malawak na karanasan at dedikasyon dala ng kanilang natatanging paglilingkod sa kani-kanilang mga distrito.

Binigyan-diin nito na ang kanilang desisyon na umanib sa Lakas-CMD ay nagsisilbing patunay sa magandang track record ng partido sa epektibong pamumuno at hindi natitinag pagsusumikap para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Idinagdag din ni Romualdez na sina Mayor Monleon at Caratihan, na kapwa iginagalang na mga pinuno sa kanilang mga komunidad, ay kaisa sa pananaw ng partido sa progreso at pagpapaunlad

Ang kanila aniyang pagsasama sa partido ay inaasahang higit na magpapalakas sa presensya ng Lakas-CMD sa lokal na lebel.

“Lakas-CMD remains steadfast in its dedication to nation-building and looks forward to the contributions of these new members in shaping the future of the Philippines. With unity, diversity, and shared values as its cornerstones, Lakas-CMD is poised to continue its legacy of service to the nation,” sabi ni Speaker Romualdez.

Noong Mayo, pinangunahan din ni Speaker Romualdez ang panunumpa ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores bilang ika-71 miyembro ng partido.

Leave a comment