
Ni NOEL ABUEL
Naniniwala si Senador Cynthia Villar na malaking tulong ang magandang agrikultura sa Mindanao para maabot ang overall economic development ng rehiyon.
Ayon sa senador, dahil sa one third ng Mindanao ang nasa agrikultura at 40% ng pagkaing kailangan ng bansa ay nagmumula sa Davao region.
“Davao Region is still the top coconut-producer which contributed 14.4% to the country’s total production. Zamboanga Peninsula followed with 13.6% and then Northern Mindanao with 12.9%,” sabi ni Villar sa idinaos na 25TH Davao Agri-Trade Expo sa SMX Convention Center.
Binanggit ni Villar na mayroo ang bansa ng 3.5 million coconut farmers sa buong kapuluan.
Dahil dito, inakda at inisponsor ni Villar ang maraming batas sa Senado para sa ikaauunlad ng agrikultura ng bansa.
“May these legislations assist the agriculture sector as a whole to ensure food security and better income to our people,” ani Villar.
Para sa Mindanao, ipinasa ni Villar ang Republic Act No. 11547 na nagdedeklara sa Davao City na “Chocolate Capital” at Davao Region na “Cacao Capital” ng Pilipinas.
Ito ay pagkilala sa pinakamalaking cacao producer sa bansa at ang mahalagang papel nito para makilala ang Pilipinas na isa sa pinakamagaling na chocolate maker sa buong mundo.
Ipinasa rin ni Villar ang Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022 na nagpawalang-bisa sa Agri-Agra law para sa mga lending program ng agrarian reform beneficiaries at iba pang magsasaka.
Sa ilalim ng bagong batas, magkakaroon ng agriculture, fisheries at rural development financing system na kinapapalooban ng mga utang at investment upang bumuti ang productivity at kita ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang beneficiaries.
Para suportahan ang pamahalaan na makumpleto ang kanilang agrarian reform initiatives at mapabuti ang land tenure system, sinabi ni Villar na ipinasa nito ang New Agrarian Emancipating Act na nagpawalang -bisa sa P57.65 billion na di bayad na amortizations.
Nabatid na nasa 610,054 magsasaka ang nabibiyayaan nito.
“Aside from freeing them of their debt, under the Rice Tariffication Law for rice and the Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act (CFITFA) for coconut farmers, which she also passed, tariffs collected from rice imports go to the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) which provides machineries, inbred rice seeds, training and loans to farmers. Collections in excess of the P10 billion funds go to the Rice Farmer Financial Assistance,” paliwanag pa ni Villar.
Maglalaan ang CFITFA ng P5 billion initial fund para isulong ang coconut industry at suportahan ang mgacoconut farmers.
Nagpasalamat naman ang senadora sa Davao City Chamber of Commerce and Industry sa pag-organisa sa event para palakasin ang ugnayan ng pamahalaan, industriya , magsasaka at mangingisda ng Mindanao.
