
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang naitala dakong alas-6:54 ng umaga ang magnitude 3.9 na lindol na nakita ang sentro sa layong 058 km hilagang silangan ng bayan ng Lingig, Surigao Del Sur.
May lalim itong 009 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity II sa Lingig, at sa syudad ng Bislig, Surigao Del Sur habang sa instrumental intensity ay naitala ang intensity I sa bayan ng Bislig ng nasabing probinsya.
Samantala, dakong alas-6:57 naman nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol na nakita sa layong 065 km hilagang silangan ng Lingig, Surigao Del Sur at may lalim na 023 km.
Wala namang naitalang danyos ang dalawang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
