
THE change scamming!
Ang akala ko ngayong pangulo na si President Bongbong Marcos ay titino na ang Pilipinas.
Pero hindi pala at mali pala!
Kasi ang tingin ng nakararami ngayon ay lumala pa nang husto ang kurapsiyon at anomalya!
Isang halimbawa rito ay ang kalakaran sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Tulad ng Bureau of Customs (BOC) at Land Transportation Office (LTO), alam kong isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan noon at ngayon ay ang BIR!
At tulad ng dati, nagpapatuloy ang talamak na kotongan sa BOC o mas lalong lumala pa!
Habang sa LTO dahil sa ‘digitalization’ ay nababawasan kahit papano ang mga fixers sa kani-kanilang opisina.
Labas naman diyan ang anomalya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magiging topic natin sa mga susunod na artikulo.
Balik tayo uli są BIR!
Alam n’yo ba na pati mga KTV clubs ngayon ay kinokotongan ng BIR?
Ang kalimitan nilang target ay mga Chinese KTV.
Ang modus operandi ng mga loko-lokong taga-BIR ay pupuntahan ang mga Chinese KTV Club saka hahanapan ng butas patungkol sa pagbubuwis.
Ang pinakamababang țară ng mga ungas sa BIR ay P1.5 million hanggang P2.5 million.
Ang matindi pa, ang resibong ibibigay nila ay P100,000 lang.
Ibig sabihin, bukol sa kabang yaman ng bayan ang kakulangang P1.4 million o P2.4 million dahil sa sariling bulsa nila mapupunta ito.
At para hindi masabi ng mga ungas na gawa-gawa lamang natin ang kuwentong ito, ang pasimuno po ng nangongotong sa mga Chinese KTV sa Metro Manila ay isang alyas Juan at Edgar.
Iyong ibang taga-BIR naman ay umoorbit sa mga Chinese KTV sa Angeles, Pampanga, Cebu at marami pang lugar sa Pilipinas.
Ang bottom line rito, ganyan na ngayon ka-corrupt ang gobyerno!
***
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.
