Bagyong Jenny magpapaulan pa rin sa bansa — PAGASA

NI MJ SULLIVAN

Napanatili ng typhoon Jenny ang lakas nito habang kumikilos papalabas ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Jenny sa layong 210 km hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas na hangin na nasa 150 km/h malapit sa gitna at pagbugso na nasa 185 km/h.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa Itbayan, Batanes na magpapaulan at may malakas na hangin na nasa 89 km/h hanggang 117 km/h na mararanasan sa loob ng 18-oras.

Habang ang signal no. 2 sa Luzon at nakataas sa nalalabing bahagi ng Batanes, at hilagang bahagi ng Babuyan islands at Calayan islands.

At signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan islands, hilagang bahagi ng mainland Cagayan kasama ang Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran; ang hilagang bahagi ng Apayao kabilang ang Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, at Flora, at ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte kabilang ang Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, at Laoag City.

Apektado rin ang Visayas at Mindanao na makakaranas ng pag-ulan at malakas na hangin.

Paiigtingin pa rin ng bagyong Jenny ang hanging habagat na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa katimugang bahagi ng Luzon sa loob ng 3-araw.

Ngayong araw ay makakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila, Aurora, Bataan, Occidental Mindoro, Kalayaan islands, Romblon, ng CALABARZON at ng Bicol Region.

Ang bagyong Jenny ay kumikilos westward at kung hindi magbabago ang kilos ay magla-landfall ito sa katimugang bahagi ng Taiwan bukas ng umaga bago magtungo sa coastal waters ng southeastern China.

Leave a comment