Senado kinondena ang pagbangga sa bangka ng mangingisdang Pinoy

Senate President Juan Miguel Zubiri

Ni NOEL ABUEL

Tahasang kinondena ng mga senador ang nangyaring trahedya sa mga Pilipinong mangingisda na sinagasaan ng isang malaking barko na nagresulta ng pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Zambales.

Nagkakaisa sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senador Francis Tolentino, Senador Jinggoy Estrada, Senador Grace Poe, Senador JV Ejercito sa pagkondena at panawagan sa di natukoy na barko na nakapatay sa mga nasabing mga Pinoy na mangingisda.

“We condemn in the strongest terms the death of three Filipino fishermen after their boat was rammed by a foreign vessel. Those found responsible must be meted the appropriate punishment. No one should escape the long arm of the law,” sabi ni Poe.

“We call on our maritime authorities to increase their presence in our waters and strictly monitor local vessels sailing to fish to ensure their safety. Nararapat ang dagdag na proteksyon lalo na sa maliliit nating mangingisda na naglalayag sa kabila ng panganib para lang mabuhay,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Zubiri na dahil sa pangyayari ay dapat na magpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea upang magbantay sa mga mangingisdang Pinoy.

Nangako itong dadagdagan ang pondo ng PCG para sa susunod na taon para may mabiling makabagong kagamitan at makabago at malaking barko at madagdagan din ang mga tauhan.

Paliwanag pa ni Zubiri ang bagong maritime offshore large ship ay magsisilbing tagapagligtas sakaling kailanganin ng mga Pinoy na mangingisda ang tulong gayundin ng iba pang barko na nangangailangan din ng asiste.

“I condemn in the strongest possible terms the ramming of ship Pacific Anna, registered in the Marshall Islands, into a Filipino fishing boat, killing three of our citizens. It is deplorable that the vessel left the Filipino fishing boat and our citizens in the water. This despicable act is an affront to all Filipinos,” sabi naman ni Hontiveros.

“The authorities must conduct a comprehensive and unbiased investigation to ascertain the true circumstances surrounding this tragic event. The safety and well-being of our fishermen must always be a top priority, and those accountable for this incident must be held responsible for their actions,” ayon kay Estrada.

Kinakailangan aniya na mabigyan ng linaw ang pangyayaring ito, at kung ito ba ay aksidente o hindi upang magkaroon ng kaukulang hakbang ang mga awtoridad.

Leave a comment