Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.4; Cayagan inuga rin ng magnitude 5.7

NI MJ SULLIVAN

Niyanig na malakas na paglindol ang mga probinsya sa Mindanao kahapon ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa impormasyon ng Phivolcs, dakong alas-7:21 ng gabi nang tumama ang magnitude 6.4 sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 066 km timog silangan ng isla ng Sarangani at may lalim ng 139 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity V sa Sarangani, at Don Marcelino, Davao Occidental; Kiamba, at Malungon, Sarangani; lungsod ng Digos, Davao del Sur.

Intensity IV naman ang naramdaman sa lungsod ng General Santos; syudad ng Koronadal, Tupi, T’Boli, Polomolok, South Cotabato; Jose Abad Santos, Davao Occidental; Palimbang, at Esperanza, Sultan Kudarat.

Habang intensity III sa lungsod ng Davao; Alamada, Banisilan, syudad ng Kidapawan, Magpet, Makilala, M’lang, Matalam, Pigcawayan, at Tulunan, Cotabato; Kalamansig, Lambayong, President Quirino, Senator Ninoy Aquino, at syudad ng Tacurong, Sultan Kudarat; Lake Sebu, Tampakan, Santo Niño, at Surallah, South Cotabato.

Samantala, intensity II naman sa lungsod ng Zamboanga; Antipas, Arakan, Libungan, at President Roxas, Cotabato; Bagumbayan, Sultan Kudarat; San Fernando, at Kalilangan, Bukidnon; lungsod ng Gingoog, Misamis Oriental; Tantangan, South Cotabato; Cotabato City; Datu Odin Sinsuat, at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Naramdaman din ang intensity I sa lungsod ng Cagayan de Oro; Pangantucan, at Cabanglasan, Bukidnon; Aleosan, Cotabato.

Samantala, ganap na alas-11:35 ng gabi nang yanigin din ng magnitude 5.7 na lindol ang Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.

Naramdaman ang intensity V sa Calayan, Cagayan at intensity IV sa Lacub, Abra; Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Carasi, Dumalneg, lungsod ng Laoag, Pagudpud, Pasuquin, San Nicolas, at Sarrat, Ilocos Norte; Peñablanca, Piat, Santo Niño, Solana, at Tuguegarao City, Cagayan; Kibungan, Benguet; Bontoc at Sagada, Mountain Province.

Intensity III naman sa Licuan-Baay, Abra; Balbalan, Lubuagan, at Pasil, Kalinga; syudad ng Batac, Currimao, Marcos, Paoay, at Pinili, Ilocos Norte; lungsod ng Baguio; Mankayan, Benguet; Bauko, Natunin, at Tadian, Mountain Province; Aguinaldo, Alfonso Lista, at Hingyon, Ifugao.

Naitala rin ang intensity II sa Solsona at Nueva Era, Ilocos Norte; Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang, at Basco, Batanes; Angadanan, Cabagan, Maconacon, San Mariano, at San Pablo, Isabela; Sablan, Benguet; Paracelis, Mountain Province; Tinoc, Ifugao at intensity I naman sa  Delfin Albano, Isabela.

Sinabi naman ni Phivolcs director Tereisto Bacolcol, na inaalam pa kung may naging epekto at danyos ang nasabing magkahiwalay na paglindol subalit dahil sa pawang malalim ang naging paggalaw ng lupa ay hindi naman ito nakaapekto nang husto sa mga residente ng nasabing mga lalawigan.

Leave a comment