
Ni NOEL ABUEL
Tinitiyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na paglalaanan ng pondo ng Kamara ang Pag-asa Island para sa pagtatayo ng mga infrastructure projects.
Ito ang sinabi ni Romualdez nang bumisita sa Pag-asa Island kasama sina House Majority Leader Mannix M. Dalipe, House Minority Leader Marcelino Libanan, at House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co. kung saan namahagi ang mga ito ng solar lamp na may AM/FM radios sa mga sundalo at lokal na residente sa Pag-asa.
Kinabibilangan ng mga storm shelter para sa mga mangingisda, solar power plant, at ice and cold storage facilities, bukod sa iba pa ang paglalaanan ng pondo.
Sa isang press briefing kasunod ng isang maikling paglalakbay sa Pag-asa Island, sinabi ni Romualdez na nakita nito at ng isang maliit na grupo ng mga mambabatas ang matinding hamon na kinakaharap ng mga lokal na mamamayan ng isla at ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na namamahala sa outpost ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).


“It’s clear that Pag-asa Island needs a development plan. The House of Representatives will take the lead in coming up with such plan, being the institution responsible for the national budget and national policies that need legislation,” sa pahayag ni Romualdez.
Ang isang pangunahing prayoridad, aniya, ay ang pagtatayo ng isang storm shelter para sa mga mangingisda kung saan sila maaaring sumilong sa panahon ng bagyo o kapag sila ay nakakaranas ng mekanikal na problema habang nasa dagat.
“We will also help build a solar energy plant; ice and cold storage facilities; a desalination plant; satellite-based communication facilities; and conduct seafood-based livelihood training,” ayon sa lider ng Kamara.
Sinabi ni Romualdez na ang mga proyektong ito ay naglalayong tugunan ang mga natatanging hamon na kinakaharap ng mga sundalong Pilipino at mangingisda na nag-o-operate sa pinag-aagawang karagatan sa Spratly Group of Islands.
Aniya, sa pamamagitan ng mga proyektong ito, umaasa ito na ang mga mangingisdang Pilipino ay hindi na matatakot na magsagawa ng kanilang pang-araw-araw na aktibidad sa Spratlys, na kilala rin bilang Kalayaan Group of Islands.
Idinagdag nito na ang pagsuporta sa mga sundalong Pinoy sa lugar ay binibigyan-diin ang pangako ng gobyerno ng Pilipinas na igiit ang soberanya nito sa pinag-aagawang teritoryo.
“We toured the island and had lengthy conversations with our brave soldiers and kababayans in the community. This allowed us to get a first-hand account of what’s really happening on ground and what needs to be done by Congress to address local issues,” paliwanag pa ni Romualdez.
Bago umalis patungong Puerto Princesa para magbigay galang sa yumaong si Rep. Edward Hagedorn, na nasawi kamakailan.
