Bagyong Jenny nalusaw na, habagat humina na rin — PAGASA

NI MJ SULLIVAN

Tuluyan nang humina ang bagyong Jenny at hindi na makakaapekto saan mang bahagi ng bansa.

Sa inilabas na weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 385 km kanluran hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes o nasa laban na ng Philippine area of responsibility.

Kumikilos ito ng pakanuran sa bilis na 10 km/h taglay ang lakas na hangin na nasa 120 km/h malapit sa gitna at pagbugso na nasa 150 km/h.

Inalis na rin ang lahat ng wind signal sa buong bansa kung kaya’t makakaasa na ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng bansa.

Tanging kalat-kalat na pag-ulan na lamang ang mararanasan sa katimugang bahagi ng Luzon dahil sa epekto sa hanging habagat na unti-unti na ring humihina.

 Habang lumalabas ng bansa ay mananatiling aktibo ang typhoon Jenny na kikllos patungo sa southeastern China.  

Leave a comment