
Ni NOEL ABUEL
Pinagpapaliwanag ni Senador Cynthia Villar sa Department of Agriculture (DA) kung ano ang tunay na dahilan at bakit humingi ito ng 100 porsiyentong dagdag sa pondo ng Navotas fish port sa kabila ng apektado ito ng isinagawang reclamation sa Manila Bay.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform at pagtalakay sa 2024 budget ng DA, inusisa ni Villar ang ahensya sa mga ginagawa nitong aksyon para masolusyunan ang problema ng mga mangingisda sa mga pantalan sa buong bansa.
“Can you explain to me why a fish port that is having problems will increase their budget by 100 percent? If we will continue with the reclamation, people will be having a hard time going to the fish port of Navotas. Why are we increasing the budget when there is a problem?,” pagtatanong pa ni Villar sa DA.
Ani Villar, ang lahat ng pantala sa Mertro Manila ay nagrereklamo na maaapektuhan ng reclamation ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at maging ang mga international shipping lines o organisasyon.
Wala namang nakasagot mula sa DA sa tanong ni Villar kung saan binigyan nito ng pagkakataon na magpaliwanag sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat na nagsasaad ng tugon nito sa iniharap na katanungan ng senador.
