
NI MJ SULLIVAN
Muling niyanig ng paglindol ang Davao Occidental at Surigao del Norte kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcalogy and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-10:19 ng gabi nang tumama ang magnitude 4.2 na lindol na ang sentro ay nakita sa layong 295 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 007 km at tectonic ang origin.
Samantala, niyanig din ng magnitude 3.9 na lindol ang Surigao del Norte dakong alas-10:48 ng gabi sa layong 012 km timog silangan ng Burgos, Surigao Del Norte at may lalim na 028 km.
Wala namang danyos na naitala ang mga awtoridad sa magkahiwalay na lindol at wala ring aftershocks na inaasahan.
