Speaker Romualdez nakiisa sa pagkondena sa pag-atake sa Israel

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pakikiisa si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa tahasang pagkondena sa nangyaring biglaang pag-atake sa mga inosenteng sibilyan sa Israel ng teroristang Hamas.

“Today, I join voices from around the world in strongly condemning the heartbreaking attacks against innocent civilians in Israel. The devastation and loss suffered by families during such significant moments of reverence are beyond words,” ani Romualdez.

Ang pangyayari, ayon kay Romualdez ay patunay na ang bayolenteng pamamaraan ay nagpapalalim lamang ng hidwaan. Hinimok din nito ang mga sangkot na partido na humanap ng mapayapang solusyon sa kanilang hindi pagkakaintindihan.

“The history of this region has seen enough bloodshed; sustainable peace is the only way forward,” giit niRomualdez.

Sinabi naman nito na kumikilos na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang alamin at tulungan ang mga Pilipino na naapektuhan sa pag-atake.

“To our Filipino brothers and sisters living or working in Israel, my thoughts are with youm Please remain vigilant and prioritize your safety during these turbulent times. Your welfare is a matter of paramount importance to us,” dagdag pa ni Romualdez.

Inihahanay umano ni Romualdez ang kanyang sarili sa iba pang lider at grupo na ang adbokasiya ay mapanatili ang kapayapaan at iginigiit na idaan sa maayos na pag-uusap ang hindi pagkakaintindihan kasabay ng pagkilala sa karapatan ng mga sibilyan alinsunod sa mga pandaigdigang batas.

“May peace prevail in the region and may the global community come together to support a harmonious resolution to this longstanding conflict,” wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Leave a comment