BI handa na sa pagsalubong sa mga Filipinos na apektado ng Israel-Palestine conflict

Ni NERIO AGUAS

Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) na magbigay ng tulong at serbisyo sa mga Filipino na ililikas mula sa giyera sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ginawa ng BI ang anunsyo nitong Lunes, at sinabing makikipag-ugnayan ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa mga iskedyul ng posibleng repatriations.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na magde-deploy ito ng mga special teams na magpoproseso ng mga dokumento ng repatriated Filipino at kanilang mga pamilya.

“Should they come in special flights, we will have a dedicated team process their documents immediately upon arrival,” sabi ni Tansingco.

Dagdag pa nito, ipaaabot ng ahensya ang lahat ng tulong ayon sa hinihingi ng DFA at ng DMW para sa kapakanan ng mga repatriates.

Sa kasalukuyan, wala pang schedules para sa repatriation ang na-coordinate sa BI ngunit mahigpit nilang binabantayan ang mga updates mula sa DFA at DMW.

“The safety of our kababayans is a top priority for the government. The BI will do what it can to extend assistance to agencies involved in repatriation of Filipinos,” ani Tansingco.

Leave a comment