LPA nagbabantang pumasok sa Eastern Visayas — PAGASA

NI MJ SULLIVAN

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low pressure area na nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, ang LPA ay makakaapekto sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ang severe tropical storm na may international name na Bolaven ay nasa layong 2,830 km silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas na hangin na nasa 95 km/h at pagbugso na nasa 115 km/h.

Kumikilos ito sa bilis na 10 km/h kanluran hilagang kanluran.

Samantala, ang typhoon Koinu o bagyong Jenny ay malayo na sa bansa na nasa 880 km kanluran ng dulong bahagi ng Northern Luzon taglay ang lakas na hangin na nasa 130 km/h at pagbugso na nasa 160 km/h at dahan-dahang kumikilos pakanluran.

Magiging maulap at may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Mindanao, Eastern Visayas, at Central Visayas dahil sa epekto ng  nasabing LPA habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap din na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorm dahil din sa LPA at localized thunderstorms.

Leave a comment