2 LPA nagpaparamdam na — PAGASA

NI MJ SULLIVAN

Nananatiling nagpaparamdam ang dalawang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, ganap na alas-3:00 ng hapon nang huling mamataan ang super typhoon Bolaven na nasa 2,280 km silangan ng Northern Luzon taglay ang lakas na hangin na nasa 195 km/h at pagbugso na nasa 240 km/h.

Kumikilos ito ng pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.

Samantala, ang isa pang LPA ay malapit na sa bansa na nasa 840 km silangan ng Eastern Visayas.

Bunsod nito, magiging maualap at may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol region, MIMAROPA, Quezon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga dahil sa epekto ng LPA.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan o pagkulog bunsod ng LPA at localized thunderstorms.

Sinabi pa ng PAGASA na hindi naman inaasahan na magiging bagyo ang nasabing dalawang sama ng panahon.

Leave a comment