
NI MJ SULLIVAN
Muling niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayon umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-8:04 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.6 na lindol na natukoy ang sentro sa layong 223 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 172 km at tectonic ang origin.
Sa kabila ng malakas na paglindol ay wala namang naitalang danyos at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
