Proyekto ng DPWH sa mga magsasaka sa Dinagat Islands natapos na

Ni NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang proyektong makakatulong sa mga magsasaka sa bayan ng Loreto, Dinagat Islands kahit ano pa ang panahon na maranasan dito.

Sa ulat na tinanggap ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan kay DPWH Caraga Regional Director Pol M. Delos Santos at DPWH Dinagat Islands DEO District Engineer Noel C. Basañes ang two-lane concrete road with line canal ay natapos na upang mapahusay ang daanan ng Barangay Sta. Cruz at Sitio Cambinliw, Loreto, Dinagat Islands.

Sinasabing ang nasabing proyekto, ang buong Sta. Cruz-Cambinliw (Lauban-Mini Hydro) Road na bumabaybay sa 3.65 kilometro, na may spillway, box culvert, slope protection at line canal ay madadaanan na ng lahat ng uri ng sasakyan kahhit sa panahon ng malakas na pag-ulan.

“The benefits of the new road include facilitating the delivery of agricultural goods and providing locals access to other essential services available in the town proper,” sabi ni Basañes.

Ang konstruksyon ng Cambinliw (Lauban-Mini Hydro) Road ay natapos ng DPWH Dinagat Islands DEO sa unang bahagi ng taon sa halagang P44.1 milyon.

Leave a comment