PUV Modernization Program suspendehin — solon

Ni NOEL ABUEL

Pinasususpende ni Senador Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang PUV Modernization Program (PUVMP) sa gitna ng nabunyag na kurapsyon sa ahensya.

Ayon kay Poe, hangat hindi nareresolba ang nabunyag na kurapsyon sa LTFRB ay marapat lamang na itigil ang PUV Modernization Program dahil lalong magugulo ito.

Sabi pa ng senador na hindi na nga makausad nang maayos ang PUVMP dahil sa iba’t ibang isyu ay nabahiran pa ng ito ng kurapsyon sa kasalukuyan.

“Erring officials must be held accountable for bungling a very critical program of the transport sector,” sabi ni Poe.

Giit pa ni Poe na kung totoo ang alegasyon, hindi ito makatarungan sa mga drayber at operators na nawalan ng kabuhayan dahil pinaboran pala ang mga naglalagay ng pera sa ilang opisyales ng ahensya.

Dapat aniyang mapanagot ang sinumang opisyal ng LTFRB na nang-aabuso sa mga transport sectors.

Umaasa si Poe na habang iniimbestigahan ang mga sangkot sa kurapsyon, inaayos din ang modernization program na magpapabuti sa kabuhayan ng mga drayber at magbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter.

Sa pinakahuling impormasyon maliban sa nasuspendeng si dating LTFRB chairman Teofilo guadiz III ay isinansangkot na rin si Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista sa sinasabing anomalya.

Leave a comment