
NI MJ SULLIVAN
Asahan na makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang mga lalawigan ng CALABARZON, Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, at hilagang bahagi ng Palawan dahil sa epekto ng low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang isang LPA sa layong 300 km kanlurang bahagi ng Puerto Princesa, Palawan.
Habang ang isa pang LPA na si super typhoon Bolaven ay malayo pa rin sa bansa na nasa 2,235 km silangan ng dulong bahagi ng Northern Luzon taglay ang lakas na hangin na nasa 215 km/h at pagbugso na nasa 265 km/h at kumikilos ng hilaga hilagang-silangan sa bilis na 25 km/h.
Samantala, ang Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao at Abra ay magiging maulap ang papawirin na may kasamang pag-ulan dahil sa epekto ng Northeasterly Surface Windflow.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dahil sa epeto ng LPA at localized thunderstorms.
