
Ni NOEL ABUEL
Nawawala ng Pilipinas ng nasa P7.4 bilyon mula sa cash remittances ng libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) kabilang ang mas maraming bilang ng caregivers at private duty nurses sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Israel at ng Islamic Resistance Movement o Hamas.
“Our best estimate is that Filipino workers in Israel send to their families here in the Philippines around $131 million (or P7.4 billion) in cash transfers on an annual basis,” sabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.
“The ballpark figure covers dollars coursed through bank as well as non-bank remittance channels,” dagdag nito.
Una nang iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatlong OFWs, isang 33-anyos na nurse mula sa Pangasinan, isang 42-anyos na male caregiver mula Pampanga, at ang 49-anyos na babaeng caregiver mula Negros Occidental na pinaslang ng Hamas.
Giit ng kongresista, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ipinatutupad ang compulsory repatriation ng lahat ng Filipinos sa Israel sa kabila ng pagkasawi ng tatlong OFWs, ayon sa Philippine Embassy sa Tel Aviv.
Sa kasalukuyan, itinaas ng DFA ang Alert Level 2 sa Israel na nangangahulugang ang mga non-essential movement ng mga Filipinos ay restricted, at walang bagong Pinoy deployments ng mga manggagawa sa Israel.
