Mahalagang papel ng magsasaka at mangingisda pinuri ni Sen. Villar

Pandesal on World Bread Day and World Pandesal Day.
Namahagi sina Senator Cynthia Villar at Mr Wilson Lee ng pandesal sa Kamuning Bakery noong Lunes, October 16, sa pagdiriwang ng World Pandesal Day

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Cynthia A. Villar na malaking hamon ng bansa ang seguridad sa pagkain na dapat na agarang tinutugunan ng pamahalaan.

“A food-secured country has sufficient food at all times and its people are capable to obtain this to lead an active and healthy life,” ani Villar sa World Bread Day, World Food Day at World Pandesal Day celebration na idinaos sa Kamuning Cafe sa Manila.

Sa patuloy na paglago ng populasyon, iginiit ni Villar na ang mga pangangailangan ay nahaharap din sa iba pang hamon gaya ng climate change, kakulangan ng kompetisyon sa produksyon, mahinang teknolohiya, at kakulangan sa kakayahan, financial access at mechanization.

“These should all be placed in order-rice production, fishing, and production of livestock and poultry, vegetables and fruits which are needed to cope up with the challenges,” sabi pa ng senador.

“We need to uplift our farmers and fishermen from poverty by means of enough earnings from their job,” pahayag pa rin ng chairperson ng Senate agriculture and food committee.

Ayon kay Villar, bayani ang mga magsasaka at mangingisda kung kaya’t kailangang suportahan ang mga ito sa pamamagitan ng mahahalgang polisiya at batas.

Sa pagigiit na kailangan silang bigyan prayoridad, inihayag ni Villar na marami siya naipasang batas na patuloy na nakatutulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa 19th Congress, isinulong ni Villar ang pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, Salt Industry Development Act, Livestock Poultry and Dairy Development Law at Yellow Corn industry Development Act na magiging kapaki-pakinabang sa agrikultura ng bansa.

Kaugnay nito, nanawagan si Villar sa pinagsama-samang pagpupursige upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para patuloy na mabigyan ang mga Filipino ng sapat na pagkain.

Leave a comment