Proteksyon ng mga Pilipino kasunod ng Advisory Level 4 ng DFA sa Gaza iginiit ng senador

Senador Christopher”Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Christopher “Bong” Go sa mga panganib na kinakaharap ng Filipino community sa Gaza at Israel dahil sa patuloy na labanan sa pagitan ng Israel at Hamas.

“Bullets know no color nor creed. The urgent need of the hour is to support de-escalation and peace,” sabi nito.

Aniya, bilang vice chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, nagpahayag ito ng mga tiyak na pangamba hinggil sa mapanganib na sitwasyon ng mga Pilipinong naiipit sa labanan, at idiniin ang agarang pangangailangan na mapadali ang ligtas na safe exit pathways para sa mga nagnanais na umalis sa Gaza, o magtatag ng mga kinikilalang santuwaryo bilang ipinag-uutos ng international humanitarian law.

Una nang naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Advisory Level 4 na ibinibigay sa matitinding sitwasyon kung saan mayroong alinman sa “malakihang panloob na salungatan o ganap na pag-atake sa labas” sa isang partikular na rehiyon o bansa.

Sa paglalabad ng Alert Level 4, ang evacuation o mandatory repatriation ay sisimulan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga indibidwal, lalo na ang mga Pilipino sa ibang bansa, sa pamamagitan ng pag-alis sa kanila sa tiyak na kapahamakan.

Sinabi ni Go na ang advisory ay dapat samahan ng agarang aksyon mula sa gobyerno para pangalagaan ang Filipino community.

“The latest DFA advisory is a stark reminder of the harsh realities on the ground. It’s imperative that we, as a government, act with speed and deliberation to keep our fellow countrymen out of harm’s way,” sabi ni Go.

Nangako si Go na makikipagtulungan sa kanyang mga kasamahan sa Senado sa pagsuporta sa anuman at lahat ng pagsisikap na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino sa mga magulong lugar.

“I, alongside my esteemed colleagues in the Senate, am fully committed to supporting any initiatives aimed at securing the well-being of our fellow Filipinos in these affected areas,” sabi ng senador.

Leave a comment