
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao De Oro, ngayong araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa datos ng Philvolcs, dakong ala-1:27 ng hapon nang maitala ang magnitude 3.3 na lindol na natuloy ang sentro sa layong 004 km hilagang kanluran ng New Bataan, Davao De Oro.
May lalim itong 007 km at tectonic ang origin.
Naitala sa instrumental intensity ang intensity I sa Nabunturan, Davao De Oro.
Wala namang naging epekto ang nasabing paglindol at wala ring inaasahang magkakaroon ng aftershocks.
