Mga kabataang Pinay bigyang proteksyon — Rep. Herrera

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Umapela si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera para sa panibagong pangako at sama-samang pagsisikap na bigyang kapangyarihan at protektahan ang mga kabataang Pilipina habang ang Pilipinas ay nakiisa sa buong mundo sa paggunita sa International Day of the Girl (IDG).

Ayon sa kongresista, ang IDG ay nakatuon sa pagkilala sa napakalaking potensyal, lakas, at katatagan ng mga batang babae sa buong mundo.

“This day is an opportunity to pay homage to their dreams, aspirations, and the unique contributions they make to our society,” ani Herrera.

Sinabi pa ni Herrera, na may-akda ng Anti-Child Marriage Act, mahalaga ang hakbanging ginagawa sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga batang babae na Pilipino at pagtiyak ng kanilang magandang kinabukasan.

Sinabi pa nito na ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11596 noong nakaraang taon ay minarkahan ang isang pivotal milestone sa paglaban sa patuloy na pagsasagawa ng child marriage sa pamamagitan ng pagdedeklara nito na labag sa batas, na kinikilala ito bilang isang uri ng karahasan laban sa mga bata.

“This law not only safeguards the rights of our girls but also empowers them to dream bigger, reach higher, and achieve their goals,” ayon pa kay Herrera.

“It’s a major victory in our ongoing campaign to protect the rights of every child, especially our young girls,” dagdag pa nito.

Matatag ang paniniwala ni Herrera na sa pamamagitan ng pamumuhunan sa edukasyon, kalusugan, at pangkalahatang kagalingan ng mga babaeng Pilipino, ay makakasiguro na maganda ang kinabukasan ng mga kabataang Pinay.

Leave a comment