Solon sa DPWH: Maglagay ng mas maraming parke at open spaces

Senador Sonny Angara

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagkakaroon ng mas maraming parke, recreational facility at open space para makatulong sa mental health ng mga Pilipino.

Ayon sa senador, hindi bababa sa 3.6 milyong Pilipino ang dumaranas ng mental, neurological at substance use disorder, batay sa datos na nagmula sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Angara na ang mental health ay malinaw na isyu na hindi maaaring balewalain.

“These are issues that cannot be fully addressed overnight but there are some things that we can do immediately to help. Putting up more parks, recreational and sports facilities and including open spaces in urban planning will go a long way in improving the physical and mental well-being of our people, particularly those who reside in highly-urbanized areas,” pahayag ni Angara.

Sa pagdinig sa panukalang 2024 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), iminungkahi ni Angara ang pagbabago o pagpapalawak sa menu ng ahensya upang isama ang pagpaparami ng mga parke at recreational facility.

Binanggit ng senador kung paano natapos na ng DPWH ang pagsemento sa halos lahat ng mga kalsada sa buong bansa at nakagawa na ng maraming malalaking proyektong imprastraktura na pinakikinabangan na ng mga tao.

“We could expand the concept of public works to include the development of parks, esplanades and other similar projects. Admittedly space is a problem especially with the metropolitan areas but we can always be creative in how we utilize smaller spaces,” sabi ni Angara.

“The goal here is to make our people less confined and to encourage them to go out more, engage in physical activities and interact with people,” dagdag nito.

Base sa Economist Intelligence Unit’s Global Liveability Index for 2023, ang Metro Manila ay nasa 136th sa 173 syudad na bumaba ng apat na antas mula sa nakalipas na taon.

Gumagamit ang index ng ilang sukatan para sa pagraranggo nito, kabilang ang pangangalagang pangkalusugan, kapaligiran, kultura at imprastraktura.

Maliban sa pagbibigay sa mga residente ng maayos na health care, imprastraktura, maayos at mahusay na pampublikong transportasyon, sinabi ni Angara na ang pagkakaroon ng ligtas at malaking mga kalye, mga daanan para sa mga non-motorized na transportation, sports and recreational facilities at access sa culture and entertainment ay makakatulong para matitirahan ang mga lokal na pamahalaan.

Naghain si Angara ng ilang panukalang batas na naglalayong isulong ang pagbuo ng mga open space at livable na komunidad, kabilang ang Senate Bill No. 629 o ang panukalang Greening Act, na naglalayong tiyakin ang sapat na halaman sa kalunsuran at kanayunan sa pamamagitan ng paggawa ng mandatory na magtanim ng mga puno sa mga parke, gayundin sa bakuran ng paaralan, mga bakanteng lote at iba pang urbanisadong lugar sa buong bansa.

“With a greater focus on these initiatives, we can help in addressing physical and mental health issues and provide our people with an overall better quality of life,” sabi pa ni Angara.

Leave a comment