
Ni NOEL ABUEL
Muling pinagtibay ng Bicol Saro party list ang buong suporta nito kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at kanyang “inclusive and action-oriented leadership” na naging instrumento sa mabilis na pagpasa ng Kamara ng lahat ng priority bills ng administrasyong Marcos.
Sa pangunguna ng kinatawan nito sa Kamara na si Rep. Brian Raymund Yamsuan, nagpasalamat ang Bicol Saro party list kay Romualdez sa pagbibigay-inspirasyon sa mga mambabatas na magsumikap sa pag-apruba sa mga panukalang batas na makatutulong na mailapit si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang layunin ng pangmatagalang paglago at kaunlaran para sa lahat ng Pilipino.
“Speaker Romualdez has demonstrated how inclusive and action-oriented leadership, along with a high degree of professionalism, can result in record accomplishments for the House of the People,” sabi ni Yamsuan.
“Under his stewardship, the House was able to attain 100 percent approval of the bills under the Common Legislative Agenda of the 19th Congress way ahead of schedule. He was able to accomplish this remarkable feat without sidelining anyone. He listened and valued the inputs of every lawmaker—from district to partylist representatives, or whether he or she belongs to the majority of minority. Pinakinggan ‘nya ang lahat ng panig at nirespeto ang kanilang mga inputs at opinyon, kaya naman umani rin siya ng mataas na respeto mula sa bawat mambabatas,” paliwanag pa ni Yamsuan.
Naalala ni Yamsuan na bago mag-adjourn ang Kongreso noong nakaraang buwan para sa second regular recess, naipasa ng Kamara ang lahat ng 20 panukalang batas na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang priority measures.
Ang LEDAC ay nagtakda ng huling araw ng pagtatapos ng Disyembre 2023 para sa parehong kapulungan ng Kongreso upang aprubahan ang mga hakbang na ito.
Kasama sa mga priority measures na ipinasa ng Kamara ang P5.768-trillion national budget para sa 2024, at ang Trabaho Para sa Bayan Act.
Nilagdaan bilang batas ng Pangulo noong nakaraang buwan, ang Trabaho Para sa Bayan Act ay naglalayong tugunan ang kawalan ng trabaho at underemployment sa pamamagitan ng pagpapataas ng kasanayan sa mga manggagawang Pilipino at pagbibigay ng suporta sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Ang iba pang mga panukalang batas sa LEDAC na inaprubahan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay kinabibilangan ng mga reporma sa sistema ng pagbubuwis, mga hakbang upang palakasin ang paglaban sa smuggling at online fraud, at ang iminungkahing Philippine Salt Industry Development Act, na sina Yamsuan at ilang Bicolano na kinatawan sa Kamara sa pangunguna ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang may akda.
Bukod sa mga priority measures na ito, inalala ni Yamsuan na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, naipasa rin ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang ilang lokal na hakbang na makikinabang ang Bicol Region.
Kasama rito ang pag-set up ng satellite multi-species marine hatcheries, pagdedeklara ng ilang lugar sa Bicol bilang ecotourism destination, at ang pagtatatag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training and Assessment Centers.
Sinabi ni Yamsuan na ang mga lokal na panukalang batas na ito ay magtatakda ng yugto para sa paglikha ng mas maraming trabaho at pagpapalawak ng mga oportunidad sa kabuhayan sa Bicol region.
