Wanted na Belgian model inaresto ng BI

Ni NERIO AGUAS

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Belgian national na wanted sa bansa nito na may kaugnayan sa heinous crimes.

Kinilala ang nadakip na dayuhan na si Kristof Debie, 38-anyos, isang modelo, na naaresto noong Oktubre 17 sa isang hotel sa Parañaque City.

Nabatid na nagkunwang nagtatrabaho bilang modelo at bartender si Debie subalit natuklasan na bahagi ito ng isang criminal organization na nasa likod ng illegal na gamot.

Sinabi ni BI fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy na si Debie ay isang undesirable alien matapos na matanggap ang impormasyon hinggil sa illegal na gawain nito sa bansa.

Maliban dito, nasa ilalim din ang nasabing dayuhan sa interpol red notice na inilabas noong buwan ng Marso ng taong kasalukuyan dahil sa hiling ng bansa nito na mahanap at madakip.

Sa record, naglabas ang arrest warrant ang Court of First Instance of East Flanders, Ghent Section sa Belgium, dahil sa mga kasong multiple grave offenses, kabilang ang torture of minors, pagkakasangkot sa criminal organization, at serious drug-related charges na paglabag sa Belgian Penal Code.

May mga ulat mula sa mga foreign news outlets na nagdetalye ng karumal-dumal na krimen ni Debie, kabilang ang isang insidente kung saan pinutol nito ang tenga ng isang 17-taong-gulang na batang lalaki matapos mawalan ng cocaine.

Kasalukuyang nakadetine sa BI jail facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang dayuhan habang inihahanda ang papales para sa pagpapatapon pabalik ng kanyang bansa.

Leave a comment