Bulusan volcano nagpaparamdam – Phivolcs

NI MJ SULLIVAN

Nagpakita ng seismic activity sa paligid ng Bulusan volcano kabilang ang pagkakaroon ng malalakas na volcanic earthquake sa mga nakalipas na araw.

Sa inilabas na Bulusan volcano advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na alas-9:00 kagabi nang makapagtala ng seismic activity sa nasabing bulkan.

Nabatid na aabot sa kabuuang 87 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulusan Volcano Network (BVN) simula noong Oktubre 14, hanggang Oktubre 22 kung saan 29 ang naitalang volcano-tectonic o VT earthquakes na may kasamang paggalaw ng mga bato na rumagasa sa 1 hanggang 8 kilometro sa southern at western sector ng Bulusan Volcano.

Naitala rin ang degassing sa active summit crater and vents na mula sa pagiging mahina ay naging oderate  ngayong linggo habang ang volcanic SO2 gas emission noong Oktubre 19, 2023 ay nakapagtala ng 241 tonnes/day.

“Ground deformation data from electronic tilt monitoring indicate continued inflation of the general southern flank since February 2023. A notable increase of volcanic Carbon Dioxide (CO2) concentrations from June to August 2023 and of spring temperature since February was detected in a monitored spring on the southwestern sector of the edifice. The above parameters indicate that hydrothermal activity driven by deep magma degassing may be occurring beneath the volcano and may lead to steam-driven eruptions at any of the summit vents,” ayon sa datos ng Phivolcs.

Sa kabila ng nananatili sa Alert Level 0 (Normal) sa paligid ng Bulusan Volcano ay nagbabala ang Phivolcs na mag-ingat sa posibilidad na magkaroon ng steam-driven o phreatic eruptions sa crater o summit area.

Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga local government units at ang publiko, na iwasang pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) partikular sa bahagi ng south-southeastern slopes dahil sa posibilidad din ng biglaang paglalabas ng hazardous steam-driven o phreatic eruption, rockfall at landslide.

Pinapayuhan din ang civil aviation authorities na ipabatid sa lahat ng piloto na umiwas na lumipad malapit sa summit ng bulkan bunsod na posibleng pagbuga ng abo mula sa phreatic eruption na delikado sa kalusugan.

Gayundin, pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog na maging maingat lalo na tuwing umuulan sa posibilidad na magkaroon ng lahar flows.

Leave a comment