
NI MJ SULLIVAN
Makakaranas na malamig na panahon ang silangang bahagi ng Central at Southern Luzon dahil sa epekto ng shear line o ang paghalo ng malamig at mainit na hangin.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaapektuhan din ng northeast monsoon o Hanging Amihan ang Northern Luzon.
Samantala, ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol region, Isabela, Quirino, at Nueva Viscaya ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dahil sa epekto ng shear line.
Habang ang bahagi ng Cagayan Valley ay magiging maulan din na may kasamang pag-ulan dahil naman sa epekto ng Northeast Monsoon.
At ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na may mahinang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
